Ako: Di sa nagaassume ako, pero ako talaga yun. Medyo nakakaoffend. Medyo naiyak ako konti. Wala naman silang alam eh.. Nakakainis lang. Sinasabi ko lang to para malabas ko sama ng loob ko.
Friend: Onga, nakita ko tweets niya. Kaya pala medyo nanahimik ka na.
Ako: Kaya nga. Ayoko na lang sumagot, lalaki yun ih. Tsaka baka sabihin assuming ako.
Friend: Onga eh. Sabihan ka pa na baka tinatamaan ka pero wala siyang pinapatamaan.
Ako: Pero seryoso, naiyak ako hindi dahil kay badong. Naiyak ako sa mga pinagsasabe niya *ng tropa niya*.
Friend: Pero halata naman sakanya eh, malalim hugot ng tweets niya. Grabe silang magtotropa, natutuwa pa naman ako sakanila. Matalino sa mga ganyan si ano eh. Pero nakakaoffend ung talino niya. Talinong wala alam :(
Ako: Oo nga ako din naman natutuwa sakanya. Matalino daw talaga yan. Pero wala siyang alam eh. Syempre puro side lang ni badong naririnig nila.
Friend: Yun nga yun ih. Yun lang ang alam nila. At ako, eto lang din yung alam ko. Yung side mo. Pero di naman ako ganon na dakdak lang ng dakdak. Kuda ng kuda sila eh. Palibhasa yun lang yung alam nila. Kung tutuusin kayo lang dalawa ni badong ung may alam ng lahat eh. Pero di kayo nagsasalita mga gago. Kaya magulo eh. Hindi malinaw. Magulo na nga lalo pang nagugulo dahil sa mga nagsasalita na one sided.
Ako: Kaya nga eh. Alam ko namang side ko lang alam mo. Pero di ka naman naggganun na puntong punto talaga. Tangina, bigla tuloy ako nagbitter. Naiiyak ako sa sakit. Di na lang ako makapagsalita.
Friend: Hanggang kelan ka di magsasalita? Mag usap na kayo kasiii. Alam ko di madali. Pero habang tumatagal lalong gumugulo. Pramis.
Ako: Eh kasi parang di na kailangan kasi wala naman na kami tsaka di na kami naguusap talaga.
Friend: Tas maya maya ayan na naman. Hannie naman. Paulit ulit ulit ulit ulit na lang eh.
Ako: Siguro kapag nagkachance na magusap kami. Paguusapan namen to.. Pero kahit alam mong mahal na mahal ko. Alam ko ilang beses na to eh. Pero gusto ko na talagang panindigan yung "ayoko na".
Friend: Kahit anong desisyon mo andito ako para punasan yung luha mo saka uhog :( ♥
ANG SWEET NYA NAMAN GRABE ♥♥♥♥♥♥♥